Home NATIONWIDE ‘Tao lang po’: Garbin humingi ng paumanhin sa malutong na mura on-air

‘Tao lang po’: Garbin humingi ng paumanhin sa malutong na mura on-air

307
0

MANILA, Philippines – Humingi ng paumanhin si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin nitong Lunes matapos siyang marinig na nagmura sa isang live phone interview sa One Balita.

“Pasyensya na, tao lang po!” ani Garbin sa Facebook, ipinaliwanag niyang nadapa siya habang naglalakad at muntik nang mabitawan ang cellphone kaya siya napamura.

“At that time, I was walking while doing the interview. As I hung up, I tripped and almost dropped my phone. The stumble startled me, and in that unguarded moment, I blurted out a curse word—something I usually say in private and never intended for the public to hear,” paliwanag ng mambabatas.

Ayon sa kanya, pang-pribadong ekspresyon lamang iyon at hindi nakalaan para sa publiko.

Aminado siyang bilang opisyal, dapat maging mas maingat siya sa pananalita at nangakong iiwasan ang kahalintulad na insidente.

“Once again, I apologize to the viewers and to anyone who may have been offended,” dagdag niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here