MANILA, Philippines- Asahan na ng mga tahanan na sineserbisyuhan ng Manila Electric Co. (Meralco) ang P1.9623 per kilowatt-hour (kWh) na bawas sa kanilang electricity bills ngayong buwan.
Sa abiso nitong Linggo, sinabi ng Meralco nagresulta sa pagtapyas sa power rates ang implementasyon ng hati-hating koleksyon ng generation costs mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
“In its order promulgated on June 13, the Energy Regulatory Commission (ERC) ordered all distribution utilities and electric cooperatives in the country, including Meralco, to stagger the collection of charges covering WESM purchases in the May supply month in four (4) equal monthly installments starting this billing month until September 2024,” pahayag ng Meralco.
Asahan na ng Meralco customers ang downward power adjustment sa kanilang power rates, sa halip na P0.6436 per kWh na dagdag na inanunsyo noong nakaraang linggo.
Sumasalamin ang adjusted rate sa P9.4516 per kWh na pagbaba mula sa nakaraang buwang P11.4139 per kWh para sa isang tipikal na tahanan.
“For residential customers consuming 200 kWh, the adjustment is equivalent to a decrease of around P392 in their total electricity bill,” sabi ng Meralco.
Subalit, sa gitna ng bawas-singil ngayong Hunyo, sinabi ng Meralco na asahan na ng customers ang mas mataas na generation charges sa susunod na tatlong buwan.
“We would like to advise this early that our customers can expect generation charge to increase in succeeding months as we collect the deferred amounts on staggered basis as result of the recent developments,” pahayag ni Joe Zaldarriaga, Meralco vice president at head of corporate communications.
“With these already deferred costs, and the recent order of the ERC to also stagger the collection of WESM charges, around P0.77 per kWh will be added every month to the generation charge in the July to September bills,” dagdag niya. RNT/SA