Home NATIONWIDE Tariff hike sa pag-aangkat ng bigas makatutulong sa local rice stock –...

Tariff hike sa pag-aangkat ng bigas makatutulong sa local rice stock – DA

334
0

MANILA, Philippines – Layon ng rekomendasyon ng Department of Agriculture na taasan ang taripa sa imported na bigas ”flush out local rice” sa mga lokal na pamilihan, sinabi ni Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nitong Lunes, Agosto 4.

”Well basically, marami tayong stocks ng local rice and we have to move out ‘yung stocks ng local rice and mabenta sa merkado to free up ‘yung warehouses ng rice traders, ng rice millers, even ng NFA, kasi darating na ‘yung next harvest season eh,” ani Tiu Laurel.

”So, it’s to flush out local rice to to the market. That’s one and of course, kailangan na ring increase ang taripa sa bigas dahil mababa na rin ang world price,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Tiu Laurel na target ng ahensya na ipatupad ang pagtaas ‘in tranches.’

”Ang recommendation ng DA is from 15 to 25 percent ang first tranche, maybe after three months, another, I mean, full 35 na,” anang opisyal.

Binanggit din ng opisyal ang mababang benta ng lokal na bigas dahil sa mga imported.

”Matumal kasi ‘yung benta ng local rice dahil sa imported. Marami ring imported na pumasok sa first half of the year,” ani Tiu Laurel.

Ang pagtataas sa taripa sa imported na bigas ay kabilang sa mga tinalakay sa sidelines ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa India.

Nagbigay din ng suhestyon ang DA ng pansamantalang pagpapatigil sa lahat ng importasyon upang protektahan ang mga lokal na magsasaka.

Ani Presidential Communications Office Acting Secretary Dave Gomez, ang lahat ng detalye kaugnay nito ay pag-uusapan pa at pagkakasunduan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here