Home NATIONWIDE Tarriela dismayado kay Cayetano sa Senate interpellation sa isyu ng WPS

Tarriela dismayado kay Cayetano sa Senate interpellation sa isyu ng WPS

169
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkadismaya si Commodore Jay Tarriela PCG spokesperson for the West Philippine Sea sa pahayag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano laban sa kanya noong interpellation ng proposed Senate Resolution No. 256.

Sinabi ni Tarriela na wala siyang ginawang masama para sa interes ng bayan para bastusin at babuyin ni Cayetano ang pagkatao ko.

Ang pahayag ni Tarriela ay kaugnay ng naging pagtatalo ukol sa paggamit niya ng isang karikatura ni Chinese President Xi Jinping sa isang lecture.

Nitong Lunes, sa interpellation ng resolusyon, sinabi ni Cayetano na hindi dapat suportahan ang resolusyon kung tila sinasang-ayunan nito ang mga aksyon ni Tarriela laban sa mga opisyal ng Tsina.

Ayon kay Cayetano, ang mga opisyal ay dapat sumunod sa tamang decorum lalo na sa mga lider ng ibang bansa.

Sinagot ito ni Tarriela, at tinanong kung bakit tila galit si Cayetano sa karikatura, ngunit hindi nagpapahayag ng matinding posisyon laban sa Tsina.

Ipinaliwanag din ni Tarriela na ang karikatura ay ginamit lamang sa isang lecture sa unibersidad para sa akademikong diskusyon tungkol sa mga insidente sa West Philippine Sea at walang international audience na nakasaksi.

Matapos ang halos tatlong oras ng debate, inamyendahan ng Senado ang resolusyon na nilagdaan ng 15 senador.

Nilalaman nito ang panawagan sa Department of Foreign Affairs (DFA) na gumawa ng nararapat na hakbang upang mapanatili ang dangal ng Pilipinas at masigurong ang ugnayan sa ibang bansa ay naaayon sa pandaigdigang batas.

Kinondena rin ng Senado ang mga pahayag ng Chinese Embassy na itinuturing na salungat sa diplomatic conduct.

Pinuri ni Tarriela ang hakbang ng Senado, at sinabi niyang ipinapakita nito na nananatili ang integridad ng institusyon.

“Ang mga taong tila kumikiling sa Tsina at sinisira ang ating posisyon ay hindi kumakatawan sa opisyal na paninindigan ng Senado,” dagdag niya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here