Home METRO Task Force El Niño para sa Quezon City, itatag na 

Task Force El Niño para sa Quezon City, itatag na 

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Quezon City 5th District Councilor Alfred Vargas na isinusulong nito ang agarang pagbuo ng Task Force El Niño para sa lungsod upang paghandaan ang mga epekto ng El Niño weather and climate phenomenon.

Sa isang resoluyon, sinabi ni Vargas na dapat matugunan ang mahabang dry spells, malubhang init, malalakas na pag-ulan, at kakulangan sa tubig na ilan sa mga inaasahang epekto ng El Niño.

Si Vargas ang chair ng Committee on Disaster Risk Reduction ng City Council.

Sa pagbubuo ng QC Task Force El Niño, makakapag-plano agad ang local government ng mga hakbang upang bigyan proteksyon ang mga mamamayan, tiyakin ang supply ng tubig, at magbunsod ng pangmatagalang urban resilience, dagdag nya.

Ito rin ay pagtalima sa panawagan ni Mayor Joy Belmonte na laging maging handa ang lungsod sa anumang kalamidad.

“Gaya nga ng sinabi ni Mayor Joy Belmonte, dapat lagi tayong handa sa anumang krisis, laluna sa krisis na dulot ng climate change. The creation of the Task Force advances the commitment to community-wide preparedness,” sabi ni Vargas.

Upang mailatag ang pundasyon ng task force, hiniling ni Vargas and pagsasagawa ng inquiry in aid of legislation sa sunod-sunod na mga insidente ng sunog sa Quezon City. Ang inquiry ay pangungunahan ng Vargas committee at ng Committee on Laws, Rules and Internal Government.
Tatalakayin ng joint committee inquiry ang direktang kaugnayan ng extreme climate patterns at ang naiulat na pagtaas ng insidente ng sunog sa lungsod. Titingnan din ang kasalukuyang  building regulations, water retention policies, at community-level safety frameworks.

Kaugnay nityo batay sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), tumaas ng  36 percent ang mga insidente ng sunog sa buong bansa noong unang anim na buwan ng 2026 kung ihahambing sa unang anim na buwan ng nakaraang taon. Iniuugnay ang mga insidente sa pagsisimula ng El Niño.

Sa Quezon City, sinabi ni Vargas na ang sobrang init ay nagdudulot ng mabilis na pagkalat ng apoy lalo na sa mga densely populated area na itinuturing na highest risk.

Idiniin ni Vargas na ang mga insidente ng sunog sa siyam na barangay ng Quezon City sa unang anim na buwan ng taon ay nakaapekto sa 3,186 pamilya at nagdulot ng property damage na milyon ang halaga.

“Hindi natin pwedeng ituring ang mga sunog na ito bilang isolated incidents lamang.  Malinaw na pinalalala ng krisis sa klima ang pinsala sa ating mga komunidad. Kailangan ng comprehensive and pro-active plan para tugunan ito at lahat ng posibleng epekto ng El Niño sa ating lungsod,” saad nya. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here