Home HOME BANNER STORY Tatlong miyembro ng gabinete, itinalagang ‘caretakers’ ng gobyerno habang nasa Malaysia si...

Tatlong miyembro ng gabinete, itinalagang ‘caretakers’ ng gobyerno habang nasa Malaysia si PBBM

281
0

MANILA, Philippines – Itinalaga bilang mga caretakers ng gobyerno ang tatlong miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., habang nasa Malaysia ang huli para magpartisipa sa 47th ASEAN Summit and Related Summits mula Oktubre 26 hanggang 28, 2025.

Ang mga tagapangalaga ng gobyerno ay sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Education Secretary Sonny Angara, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.

Nauna nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), inaasahang isusulong ni Pangulong Marcos ang interes ng bansa sa mga pagpupulong, kabilang ang 14 leaders-level meeting at tatlong signing ceremony.

Bukod dito, magkakaroon din ng bilateral meetings si Marcos sa ilang lider, at tatalakayin nito ang mga usapin sa kapayapaan, seguridad, at maritime cooperation.

Inaasahan naman na 80 dokumento ang mapipirmahan sa summit at isasagawa rin ang pagpasa sa Pilipinas ng chairmanship ng ASEAN Summit para sa 2026.

Samantala, kasama ni Pangulong Marcos sa biyahe niyang ito sina DFA Secretary Theresa Lazaro, DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque, DSWD Secretary Rex Gatchalian, at PCO Acting Secretary Dave Gomez. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here