MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Impeachment Court presiding officer Chiz Escudero ang pagbabalik ng kahon na naglalaman ng tax records ni Vice President Sara Duterte sa Bureau of Internal Revenue.
Ani Escudero, ito ay dahil sa kakulangan ng ‘order’ para sa mga dokumento na itinurn-over sa Senado.
Matatandaan na naging kontrobersyal ang kahon ng BIR na selyado, kung ito ba ay nararapat na buksan at ilantad sa publiko.
Ang kahon ay naglalaman ng mga tax record ni Duterte at asawa nitong si Mans Carpio. RNT/JGC