MANILA, Philippines – Hinimok ni Parañaque 2nd District Rep. Brian Yamsuan ang Kongreso na agad aksyunan ang mga panukalang magbibigay ng tax relief sa mga manggagawa at micro at small enterprises (MSEs) sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin.
Partikular na isinusulong ni Yamsuan ang pagtataas ng annual personal income tax exemption threshold at pag-aalis ng 2-percent Minimum Corporate Income Tax (MCIT) para sa maliliit na negosyo.







