Home METRO Taxi driver na nag-overtake patay sa saksak ng magkapatid

Taxi driver na nag-overtake patay sa saksak ng magkapatid

207
0

BAGUIO CITY- PATAY ang isang taxi driver matapos pagtulungan saksakin ng magkapatid na kapwa taxi driver makaraan mag-overtake ang una, iniulat kahapon, Oktubre 3 sa lungsod na ito.

Dead-on-arrival nang dumating sa ospital ang biktima na kinilalang si Jonsen Pelayo, 21, habang sumuko naman sa pulisya ang magkapatid na suspek.

Ayon kay Police Major Harriet Bulcio, Baguio City Police Office Public Information Officer, naganap ang krimen Martes ng gabi sa kahabaan ng Asin Road, ng nasabing lungsod.

Sa kuha ng CCTV, makikitang bumaba ang mga suspek sa kotse na hinarang sa minamanehong puti na MPV ng biktima.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nagalit ang magkapatid na suspek sa biktima dahil pag-overtake kaya hinabol ito at ng maabutan ay hinarangan ito.

Dito, bumaba ang mga suspek at kinompronta ang biktima hanggan sa pinagsasaksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Matapos ang krimen, tumakas ang mga suspek pero kalaunan ay sumuko rin sa pulisya.

Ilang residente naman ang nakakita sa biktima na duguan at nakahandusay sa kalsada at dinala ito sa ospital subalit idineklara na rin patay ng umatending doktor.

Nakakulong ngayon sa detencion cell ng Baguio City Police Office (BCPO) Station 9 ang mga suspek at inamin ang ginawang krimen.

Nahaharap ngayon ang magkapatid na suspek na ayaw magpabanggit na pangalan sa kasong murder sa Baguio City Prosecutor’s Office. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here