Home METRO Taylor Sheesh inatake habang nagtatanghal

Taylor Sheesh inatake habang nagtatanghal

BAYAMBANG, Pangasinan – Sugatan umano mula sa pag-atake ng isang fan ang drag artist na si Taylor Sheesh habang nagtatanghal dito noong Sabado, Abril 6.

Ayon sa imbestigasyon, nagtatanghal si Sheesh, John Mac Lane Coronel sa totoong buhay, sa isang concert sa fiesta ng bayan nang siya ay pagtripan ng umano’y lasing na suspek.

Doon din naman ay inaresto ng pulisya ang suspek na kinilalang si Edison, 39, na nahaharap sa kasong unjust vexation.

Humingi naman ng paumanhin si Mayor Niña Jose Quiambao kay Sheesh para sa insidente.

“Gusto kong humingi ng tawad at humingi ng paumanhin kay Taylor Sheesh at sa lahat ng nasaktan lalo na sa LGBT community,” aniya.

“Muli inuulit ko, ang ating administrasyon ay lubos na sumusuporta at nagmamahal sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, and Transsexual) community. I’m very upset and I will make sure that justice will be served,” dagdag ni Quimbao sa isang live na pahayag sa kanyang Facebook page. RNT