Home ENTERTAINMENT Team Ryzza Mae, may ayuda sa mga binaha!

Team Ryzza Mae, may ayuda sa mga binaha!

1
0

Manila, Philippines – Join na din ang Team Ryzza Mae Dizon sa pamimigay ng ayuda sa mga biktima ng matinding baha.

Magkatuwang ang mag-inang Rizza at Ryzza Mae sa mga personal na naghatid ng relief goods sa ating mga kababayan.

Sila nga ang namili at nag-repack ng mga bigas, sardinas, kape, tinapay at iba pa.

Bale katuwang ang kapatid na lalaki ng Eat Bulaga host.

“Sana po makatulong ito. Mag-ingat kayo palagi,” sambit ni Mommy Rizza.

Partikular na inayudahan ng Dizon family ang kanilang mga kababayan sa Pampanga, one of the worst hit provinces sa kasagsagan ng habagat.

Makikita sa video kung paanong nilusong ng Team Ryzza ang hanggang tuhod na baha.

Ang tagaabot ng relief goods ay si Mommy Ryzza, na ikinatuwa naman ng mga Kapampangan.

Sa mga naubusan ng relief goods, pera na lang ang iniabot ni Mommy Rizza.

Take note, unlike pag galing sa pamahalaan ang ayuda, sa Team Ryzza ay hindi uso ang mga “stub.”

Pinag-lingat din ng Team Ryzza ang mga kababayan natin sa leptospirosis. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here