Home METRO Teenager na HVI tiklo sa P2.2M tobats

Teenager na HVI tiklo sa P2.2M tobats

136
0

MANILA, Philippines- Arestado ang isang 18-anyos na hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot na kilala sa tawag na shabu at miyembro ng Rocela Drug Group matapos na makuhanan ng droga na nagkakahalaga ng P2.2 milyon sa isinagawang buy-bust operation ng Lucena City Police Station kagabi (Oct. 26, 2024 ) sa Barangay Marketview, Lucena City.

Ang suspek na pansamantalang nakakulong sa Lucena City Police Station na nahaharap sa kasong RA 9165  (Comprehensive Dangerous Drug Act 2002) ay kinilala sa alyas na Ardy 18, residente ng nabanggit na lalawigan.

Base sa inisyal na report sa tanggapan ni P/Col. Ruben Lacuesta, Provincial Director ng Quezon PNP, dakong alas-10 kagabi nang maaresto ang suspek hinggil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.

Napag-alaman na ang suspek ay miyembro ng Rocela Drug Group at  kabilang sa high value target ng pulisya kung saan nakumpiska sa suspek ang may timbang na 110 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na humigit-kumulang P2.2 milyon, gayundin ang ginamit na marked money ng poseur buyer. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here