Home NATIONWIDE ‘Tell all’ testimonies ng mga Discaya masusing pinag-aaralan ng DOJ

‘Tell all’ testimonies ng mga Discaya masusing pinag-aaralan ng DOJ

279
0

MANILA, Philippines – Masusi pang pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) ang ‘tell all’ testimonies ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya kaugnay sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Sinabi ni DOJ Officer-in-Charge Fredderick A. Vida na kailangan pag-aralan ng kagawaran kung may good faith ba ang kanilang mga sinasabi o talagang naging selective lang sa kanilang pinapangalanan.

Ayon kay Vida, hanggang ngayon ay wala pa sa estado na kuntento na sila sa mga inilalahad ng mga Discaya.

Noong Setyembre 30, dumalo ang mag-asawang kontratista sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure, kung saan umano nila ibinunyag ang lahat ng kanilang nalalaman tungkol sa mga anomalya sa flood control projects.

Nabigyan na ng “protected witness” status ng DOJ ang mag-asawang Discaya, at kasalukuyan silang isinasailalim sa pagsusuri para sa posibilidad na maging ganap na state witnesses. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here