Home HOME BANNER STORY Tensyon sa South China Sea muling isinisi ng Tsina sa Pinas

Tensyon sa South China Sea muling isinisi ng Tsina sa Pinas

SINISISI ng Tsina ang Pilipinas sa sinasabing non-adherence o hindi pagsunod sa kasunduan sa South China Sea dahilan ng pagtaas ng tensyon sa katubigan.

Kinuwestiyon kasi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang umiiral na “gentleman’s agreement.”

Hindi naman direktang nag-komento ang Chinese Embassy in Manila sa tahasang pagtanggi ni Pangulong Marcos sa bisa ng sinasabing kasunduan sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Chinese Communist Party na huwag magpadala ng kahit na anumang construction materials sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Subalit sinabi ng Embahada na ang Tsina “has been exploring, with previous administrations and the current government of the Philippines, the pragmatic way to effectively manage” ang sea row, at ang “understandings and agreements reached by the two sides” pinanatili ang overall “peace and stability” sa nakalipas na mga taon.

“And also because the understandings and agreements were no longer adhered to, the situation around Ren’ai Jiao became difficult and incidents happened once and again,” ayon pa rin sa Embahada.

Nauna rito, bago pa ang kanyang departure para sa Washington, sinabi ni Pangulong Marcos na ang “gentleman agreement” ay hindi “officially exist” dahil “there is no documentation,” at walang record nito.

Bagama’t pinawalang-bisa na ng gobyerno ang anumang kasunduan na may kinalaman sa West Philippine Sea, hinikayat pa rin ng Embahada ang Pilipinas na “to value and honor their commitments.

”It also called on Manila to abide “by the consensus, and return as soon as possible to the right track of properly managing the situation through dialogue and consultation.” ayon pa rin sa Embahada. Kris Jose