Home HOME BANNER STORY Tensyon sumiklab sa protesta sa Recto; ilang raliyista dinampot sa ‘bandalismo’

Tensyon sumiklab sa protesta sa Recto; ilang raliyista dinampot sa ‘bandalismo’

3
0

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng tulakan at tensyon sa pagitan ng ilang ralyista at pulis sa C.M. Recto Avenue sa Maynila nitong Lunes, Setyembre 21, kasabay ng mga kilos-protesta para sa ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Nagsimula ang tensyon matapos dakpin ng mga pulis ang isang hindi pinangalanang ralyista dahil umano sa pagsasagawa ng vandalism sa bahagi ng LRT-2.

Nagkaroon ng girian at tulakan habang isinasagawa ang pagdakip sa lalaki.

Kalaunan ay pinakawalan din ng Manila Police District (MPD) ang indibidwal upang hindi na umano lumala ang tensyon sa lugar.

Matapos ang insidente, ipinagpatuloy at maayos na tinapos ng mga demonstrador ang kanilang programa bago nag-uwian.

Ayon kay MPD Director Police Brig. Gen. Arnold Santiago, mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng ordinansa ng Maynila ang vandalism at dapat aniyang magsilbing paalala ang insidente sa mga kalahok sa protesta.

Nasa 1,000 pulis umano ang itinalaga malapit sa Mendiola bilang bahagi ng security deployment ng MPD para tugunan ang anumang posibleng ilegal na aktibidad at mapanatili ang kaayusan.

Nauna nang nagpatupad ang MPD ng road closures sa bahagi ng C.M. Recto Avenue at Mendiola kaugnay ng mga protesta. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here