Home NATIONWIDE Teodoro sa DTI: Price, supply monitoring paigtingin sa gitna ng El Niño

Teodoro sa DTI: Price, supply monitoring paigtingin sa gitna ng El Niño

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Defense Secretary and Task Force El Niño chair Gilberto C. Teodoro Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) na palakasin at pagtibayin ang presyo ng mga pangunahing bilihin at supply monitoring para protektahan ang mga mamimili mula sa mga mapagsamantalang manininda o nag-overcharge ng presyo sa gitna ng El Niño phenomenon.

Alinsunod ito sa naging direktiba ni Pangulong Marcos na kailangan nang makialam ang gobyerno sa bagay na ito para mabantayang mabuti ang paggalaw ng presyo at suplay ng basic goods.

“Let us ensure that (an) adequate supply of basic necessities and goods are available to the general public, especially those in areas hardest affected by El Niño,” ayon kay Teodoro.

Bahagi pa rin ito ng pagsisikap ng task force laban sa manipulasyon ng mga pangunahing kalakal at bilihin.

“There may be those who will attempt to take advantage of the prevailing abnormal weather phenomenon,” babala ni Teodoro.

Sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 53 ni Pangulong Marcos, nakasaad dito na “directs the government to streamline, reactivate, and reconstitute the old El Niño task forces under EO No. 16 (s. 2001)” at Memorandum Order No. 38 (s. 2019), kung saan itinalaga si Teodoro bilang chairperson ng task force, kasama si Science and Technology Secretary Renato U. Solidum bilang co-chairperson.

Sa kabilang dako, sa nilagdaan naman noong Enero19, 2024 na EO 53, ipinag-utos sa task force na i-develop ang komprehensibong disaster preparedness at rehabilitation plan para sa El Niño at La Niña upang makapagbigay ng “systematic, holistic, and results-driven interventions” para tulungan ang publiko na makayanan at mabawasan ang matinding epekto nito.

Itinalaga naman ng Pangulo sina Environment and Natural Resources Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel Jr., Health Secretary Teodoro J. Herbosa, at National Economic at Development Authority Secretary Arsenio M. Balisacan bilang mga miyembro ng Task Force.

Regular namang inilalathala ng DTI ang pinakabagong suggested retail price (SRP) bulletin ng ‘basic necessities and prime commodities (BNPCs)” para ipabatid at gabayan ang mga “producers, manufacturers, traders, dealers, sellers, retailers, at consumers.” Kris Jose

Previous articlePinas interesado sa ‘fisheries deal’ sa Marshall Islands
Next articleChina Pres. Xi sa kanyang militar: Maghanda sa sea conflict