Home NATIONWIDE Terminal ng bus sa OrMin nasunogNATIONWIDETOP STORIES Terminal ng bus sa OrMin nasunogSeptember 20, 2026 14:4810 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Nasunog ang pampasaherong bus sa Roxas Grand Terminal sa Barangay Bagumbayan, Roxas nitong Linggo ng umaga, Setyembre 20.Agad naman na naapula ng mga bumbero ang sunog bago kumalat sa iba pang mga sasakyan at iba pang istruktura.Nangyari ang insidente 8:14 ng umaga, ayon kay SFO3 Querube Peradilla, officer-in-charge ng Roxas Bureau of Fire Protection (BFP).Nakumpleto na ng unit ng Gold Star Bus na pinatatakbo ng Ceres Transport, ang biyahe nito mula Manila nang maganap ang sunog.Ayon sa BFP, agad na nagpadala ng mga trak ng bumbero at mga tauhan sa terminal at idineklarang fire out ang sunog bandang 8:30 ng umaga.Wala namang nasugatan o nasawi sa insidente dahil mabilis na nakababa ng bus ang mga pasahero bago sumiklab ang sunog.Sa inisyal na imbestigasyon ng BF, ang sunog ay posibleng sanhi ng electrical fault sa air-conditioning system wiring ng bus.Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. RNT/JGC