Bumalik sa panalo si dating two-division champion Marlon Tapales matapos durugin via first-round knockout si Nattapong Jankaew ng Thailand para makuha ang WBC Asian Continental super bantamweight title nitong Biyernes ng gabi sa Midas Hotel and Casino sa Pasay.
Agad na umatake si Tapales at umiskor ng dalawang knockdown sa pagputok ng bell. Nang makaamoy ng dugo, agad na inatake at pinabagsak ni Tapales ang kalaban sa ikatlong pagkakataon dahilan para itigil ng referee ang laban sa tiyempong 2:15 ng unang round.
Napaangat ng panalo ang professional boxing record ni Tapales sa 38-4 na may 20 knockouts habang bumagsak si Jankaew sa 12-4 na may 8 knockouts.
Sa co-main event, natalo ang dating world title challenger na si Reymart Gaballo sa kamay ng hard-hitting Mexican na si Kenbun Torres.
Si Torres, na nag-improve ng kanyang record sa 14-5 na may 10 knockouts, ay nagpabagsak kay Gaballo sa canvas ng tatlong beses sa opening stanza.
Dahil hindi na nakabawi si Gaballo sa mga suntok na ginawa niya, tinapos ng referee ang paligsahan sa 2:33 marka ng unang round.JC