Home SPORTS Thunder tinalo ng Mavs, swak sa NBA WC finals

Thunder tinalo ng Mavs, swak sa NBA WC finals

Gumawa ng dalawang free throws si P.J. Washington sa nalalabing 2.5 segundo dahilan para umabante ang Dallas Mavericks sa Western Conference (WC) finals sa ikalawang pagkakataon sa nakalipas na tatlong season sa 117-116 nang talunin ang bumibisitang Oklahoma City Thunder kahapon.

Na-foul si Washington habang tumitira ng 3s at sinadyang isablay ang ikatlong free throw para pigilan ang Thunder squad na wala ng timeout na makapag-set up para sa isang huling shot.

Tinanggal ng Mavs ang Oklahoma City sa Game 6 ng second-round playoff series.

Nagtala si Luka Doncic ng 29 points, 10 rebounds at 10 assists para sa fifth-seeded Mavericks. Nagdagdag sina Kyrie Irving at Derrick Jones Jr. ng tig-22 puntos, si Dereck Lively II ay may 12 puntos at 15 rebound mula sa bench at si Daniel Gafford ay may 10 puntos.

Nagrehistro si Shai Gilgeous-Alexander ng 36 puntos at walong assist para sa Oklahoma City. Nagdagdag si Williams ng 22 puntos, siyam na rebound at walong assist, at umiskor si Chet Holmgren ng 21 puntos para sa Thunder.