Home NATIONWIDE Thunderstorm alert: Malakas na ulan ibinabala sa Metro Manila, 8 lalawigan

Thunderstorm alert: Malakas na ulan ibinabala sa Metro Manila, 8 lalawigan

15
0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang PAGASA sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog, pagkidlat at malalakas na hangin sa ilang bahagi ng Metro Manila at walong lalawigan sa Luzon nitong Lunes, Setyembre 21.

Sa thunderstorm advisory na inilabas alas-11:25 ng umaga, kabilang sa mga apektadong lugar ang Quezon City, Caloocan, Marikina at Pasig sa Metro Manila.

Sakop din ng advisory ang ilang bahagi ng Bataan, Batangas, Cavite, Pampanga, Quezon, Rizal, Tarlac at Zambales.

Sa Batangas, kabilang ang Tanauan, Talisay, Laurel, Lemery at Agoncillo habang sa Cavite ay kasama ang Tagaytay, Silang, Amadeo, Alfonso, Indang, Mendez, Trece Martires, Naic, Tanza, General Emilio Aguinaldo, Maragondon, Ternate at Magallanes.

Apektado rin ang ilang lugar sa Bataan gaya ng Limay, Mariveles, Pilar at Orion; Porac, Mabalacat at Angeles sa Pampanga; at Rodriguez, San Mateo, Antipolo, Taytay, Cainta, Tanay, Baras, Morong at Teresa sa Rizal.

Kasama rin sa advisory ang Capas, San Jose at Bamban sa Tarlac, gayundin ang Botolan, Palauig, Iba at Masinloc sa Zambales.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente laban sa posibleng flash flood at landslide dulot ng malalakas na pag-ulan at pinayuhang patuloy na bantayan ang mga susunod na weather advisory. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here