Home HOME BANNER STORY Tigok kay Uwan, umakyat na sa 25

Tigok kay Uwan, umakyat na sa 25

265
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 25 ang bilang ng nasawi dahil sa Super Typhoon Uwan hanggang Martes ng gabi, kung saan ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang may pinakamaraming namatay, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Ayon kay OCD Deputy Administrator Bernardo Rafaelito Alejandro IV, “Ang dumagdag ay sa CAR (the additional fatalities are from CAR).” Sa kabuuang bilang, 19 ang mula sa CAR, tatlo sa Region 2 (Cagayan Valley), at isa-isa sa Regions 5 (Bicol), 6 (Western Visayas), at 8 (Eastern Visayas).

Dagdag pa ni Alejandro, 29 ang nasugatan at dalawa ang nawawala.

Ayon sa naunang ulat ng OCD, 2.4 milyon ang naapektuhan ng bagyo sa Luzon at ilang bahagi ng Visayas noong Linggo.

Nag-utos si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng 24/7 na relief at rehabilitasyon, at inutusan ang lahat ng ahensya ng gobyerno na manatiling alerto. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here