Home METRO Tindahan ng santo nagliyab!

Tindahan ng santo nagliyab!

MANILA, Philippines- Tinupok ng apoy ang isang tindahan ng religious images sa Tayuman at Oroquieta St., Sta.Cruz, Maynila Sabado ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog pasado alas-8 ng gabi sa ikalawang palapag ng tindahan.

Agad iniakyat sa unang alarma ang sunog dahil sa bilis ng paglaki ng apoy dahil gawa sa light materials o kahoy ang ikalawang palapag ng Perpetual Help Religious Article Center.

Upang hindi na madamay pa ang katabing mga establisyimento ay binombahan ito ngĀ  fire volunteers ng tubig upang maagapan ang posibleng pagtawid ng apoy sa katabing commercial establishments.

Ayon sa BFP, inaalam pa ang sanhi ng sunog habang aabot sa halos P150,000 ang tinatayang halaga ng pinsala..

Wala ring iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden