ZAMBALES, Philippines – Hinatulan ng Korte si Jocelyn O. Acojedo, ang tinderang nakapatay sa asong si “Tiger” matapos mapatunayang “Guilty” sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act sa bayan ng Subic.
Batay sa desisyon ni Subic Municipal Trial Court, Third Judicial Region Judge Roel G. Samonte, si Acojedo ay hinatulan ng anim (6) na buwang pagkakabilanggo at pinagmumulta ng halagang P20,000 bilang parusa sa gibawang kalupitan sa asong si “Tiger”.
Matatandaang na noong March 26, 2025 nang mapatay ng akusado ang asong si Tiger na gumala sa palengke para maghanap ng pagkain.
Pinuri ng animal welfare group ang naging desisyon ng Hukuman. (ROEL TARAYAO)