PAMPANGA, Philippines – Kalaboso ang dalawang drug suspek matapos maaktuhang magkasabwat umanong nagbenta ng shabu sa undercover agent sa ikinasang buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Lourdes, Lubao.
Kinilala ng PDEA ang naarestong target na suspek na alias “Lon-lon”, 37 anyos na isang tindero ng “Punda ng Unan” at kasabwat (Runner) nitong si alyas “Rey”, 42 anyos na pawang mga residente sa naturang lugar.
Narekober sa mga suspek ang nasa humigit-kumulang 24 grams ng suspected shabu na may standard drug price na P170,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.
Giit ng target na suspek na si Alyas “Lon-lon” Wala daw siyang “choice o pagpilian”, mahirap daw pumarehas ng laban dahil sa liit ng kita sa pagbebenta niya ng “PUNDA NG UNAN”, kaya mas pinili na Lang umano niyang magbenta ng iligal na droga.
Aminado din ang suspek na ito na ang kanyang ikalawang pagkakataon na mahuli sa operasyon sa parehong kaso ng iligal na droga.
Ayon sa suspek, ang kita umabo niya sa pinagbentahan ng iligal na droga ang itinitustos sa pag-aaral ng kanyang mga anak, gayundin sa maliit na anak at pangangailangan ng kanyang pamilya.
Dinala na sa PDEA Custodial Facility ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROEL TARAYAO)







