LUCENA CITY- Sinimulan ng mga pulis na hanapin ang may-ari ng aso na bumaril sa isang teenager na hinagis ng ama ang alaga sa Siniloan, Laguna, nitong Miyerkules.
Batay sa ulat mula sa Region 4A police nitong Huwebes, naglalakad ang biktimang si Vincent Parungao, kanyang ama, at kanyang madrasta pauwi bandang alas-11:30 ng gabi sa Barangay Halayhayin nang tangkaing kagatin ng asong pagmamay-ari ni “Dondon” ang biktima.
Dahil dito, kumuha ng bato ang ama ng biktima at inihagis ito sa aso, Nang makita ito ng suspek, bumunot ito ng baril at nagpaputok nang isang beses, kung saan tinamaan ang biktima sa kanang parte ng katawan.
Dinala ang biktima sa ospital upang gamutin at kasalukuyang nasa maayos na kondisyon.
Nakatakas ang suspek at tinutugis na ng mga awtoridad. RNT/SA