MALABON CITY, Philippines – Bilang paghahanda sa ‘the Big One’ earthquake pinangunahan ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang isinagawang 4th Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (with simulation exercise).
Ito ay nilahukan ng mga mag-aaral, guro mula sa Malabon National High School, Local Government Department Head, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at iba pang ahensya. JOJO RABULAN