Home HOME BANNER STORY Tino lumabas na ng PAR; Uwan papasok sa Sabado

Tino lumabas na ng PAR; Uwan papasok sa Sabado

345
0

MANILA, Philippines – Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Typhoon Tino (international name: Kalmaegi) nitong Huwebes, Nobyembre 6 ng umaga, ngunit mayroong papasok na isa pang bagong bagyo sa Sabado na papangalanang Uwan, ayon sa state weather bureau.

Kinumpirma ni Engineer Al Quiblat, hepe ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Mactan, na lumabas na ang Typhoon Tino sa PAR bandang 12:30 a.m. nitong Huwebes, namataan ito sa hilagang kanluran ng Pag-asa Island sa Palawan, tinatahak nito ang west-northwest patungong Vietnam.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 155 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 kph.

“We also are monitoring a storm that may possibly enter on Saturday, and it may landfall either on Monday or Tuesday in northern Luzon,” aniya.

Sa kabila ng paglabas nito, ang malawak na sirkulasyon ni Tino, na umaabot hanggang 480 kilometro mula sa gitna, ay patuloy na nakakaapekto sa ilang bahagi ng Kalayaan Islands, Palawan, Occidental Mindoro, Aurora, at Quezon, na nagdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at pagbugso ng hangin.

Ang minomonitor na bagyong Uwan sa labas ng PAR na inaasahang papasok, Biyernes ng hapon o Sabado ng umaga, ay maaaring maging super typhoon habang papalapit ito sa Northern o Central Luzon sa susunod na linggo.

“The storm’s uncertainty cone is quite large, but we will still see the possibility that its effect would last until here if its direction would go lower,” aniya.

Hinimok ng Pagasa ang publiko at lokal na disaster offices na manatiling mapagmatyag, dahil maaaring magdala si Uwan ng malakas na ulan at malakas na hangin sa Lunes o Martes sa susunod na linggo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here