Home HOME BANNER STORY Tiongson hari ng Classified Master sa MTBA Open

Tiongson hari ng Classified Master sa MTBA Open

117
0
CLASSIFIED MASTERS WINNERS - Tinanggap ni John Tiongson ang kanyang champion trophy mula kina MTBA officers Ma. Jesusa "Thoby" Antiporda at Johnny Lugay sa ginanap na awarding ceremony. Kasama sa litrato ang iba pang tumanggap ng awards na sina Janus De Guzmman , Emrick Li, Harvey Ong, Niño Ragil, JP Mangahis, MJ Barros, at Sherwin Bernabe.
CLASSIFIED MASTERS WINNERS - Tinanggap ni John Tiongson ang kanyang champion trophy mula kina MTBA officers Ma. Jesusa "Thoby" Antiporda at Johnny Lugay sa ginanap na awarding ceremony. Kasama sa litrato ang iba pang tumanggap ng awards na sina Janus De Guzmman , Emrick Li, Harvey Ong, Niño Ragil, JP Mangahis, MJ Barros, at Sherwin Bernabe.

MANILA, Philippines – Napalaban ng husto si John Tiongson ng PBA para makuha ang kampeonato sa Classified Master Division ng 58th MTBA Open Tenpin Bowling Championships na ginaganap mula Mayo 8 hanggang 17 sa Playdium Bowling Center sa Quezon City.

Naging matinik ang bowling alley para kay Tiongson sa pagkuha ng championship award dahil sa naging hill-hill match ang kanilang laban ni Janus De Guzman (TBAM) na hinirang na 1st runner up.

Para masiguro ang kampeonato, umiskor si Tiongson ng 1,694 points habang si De Guzman ay may 1,687 points para magkasya sa first runner up award sa bowling competitions na suportado ng Philippine Sports Commission, Remate Dyario ng Masa, Congressman Arjo Atayde, Lion’s Bowling Club, Viking, Vafiant Bowling Club, PDF, U&I Bowling Club, SLETBA We Are Family, CHARIS ZAIDE & JAMES TONGOL, Bowl Shower, UBL, Greenfield, Manila Tenpin Bowler’s Association, Bowlkadas, Philippines Senior Bowling Association, Robust, Friends in Bowling at JM Realty and Lending Corporation..

Dahil sa panalo naibulsa ni Tiongson ang tumataginting na P60,000 champion prize habang si De Guzman ay may P30,000 1st runner award.

Nagawa naman ni Emrick Li (PTBA Bearing Center) na maitakas ang 2nd runner award sa iskor na 1,676 na may premyong P15,000 konti lang din ang diperensiyang puntos sa eventual champion at 1st runner up winner.

Hinirang namang 4th place si Harvey Ong (PTBA) sa natipon nitong 1,628 points na may kaakibat ng P8,000 na cash prize.

Ayon kay Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers’ Association (MTBA) President Benny Antiporda, na kitang kita niya na lalong humuhusay ang mga participant dahil hindi nagkakalayo ang iskor ng mga nanalo.

“Patunay ito na ang ating layuning makadiskubre ng mahuhusay na players na pwedeng isabak sa local at international competitions ay ating nang naabot,” ani Antiporda.

Hindi rin nagpahuli sina Niño Ragil (PTBA U&I), JP Mangahis (GMTBC), MJ Barros (FDBA) at Sherwin Bernabe (PBA) hinirang na 5th, 6th, 7th at 8th placers, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Tumanggap si Niño ng cash prize na P5,000 habang ang tatlong natitira ay nakasubi ng tig-P4,0000.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here