Home METRO Tito arestado sa pambubugaw sa mga paslit na pamangkin

Tito arestado sa pambubugaw sa mga paslit na pamangkin

283
0

CEBU CITY, Philippines — Arestado ang isang lalaki mula sa Lapu-Lapu City sa Cebu na binitbit ng mga ahente ng National Bureau of Investigation in Central Visayas (NBI-7), matapos na ibugaw ang kanyang sariling mga pamangkin na pawang mga menor de edad na gumawa ng kahalayan online.

Kinilala ang suspek na si Jhufil Henson, residente ng Lapu-Lapu City habang isinagawa ang rescue operation noong Nobyembre 27, 2024 sa tirahan ng suspek.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng NBI-7, makikipag-ugnayan ang suspek sa mga dayuhang customer na magbabayad sa kanya ng $40 o P2,240 bawat isa para manood ng mga malalaswang kahalayan online.

Kasama sa nailigtas ng mga ahente ang isang 1 buwang gulang na bata at kambal na babae, na 8 taong gulang pa lamang.

Narekober din ng mga ahente sa tirahan ng suspek ang ilang sex toys at isang cellular phone na gagamitin umano nito sa kanyang iligal na aktibidad.

Ang operasyon ay base sa search warrant na inisyu ni Judge Nelson Leyco ng Branch 27 ng Lapu-Lapu City Regional Trial Court (RTC).

Bukod sa suspek, inaresto rin ng mga ahente ng NBI-7 ang mga ina ng mga bata na sarili niyang kapatid.

Si Henson ay kasalukuyang nahaharap sa mga kaso para sa paglabag sa Republic Act No. 11930 na nagpaparusa sa online sexual abuse at exploitation ng mga bata, ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, at R.A. 7610 o ang Espesyal na Proteksyon ng mga Bata Laban sa Pang-aabuso.

Karagdagang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa kanya matapos na matagpuan ng mga ahente ang ilegal na droga sa kanyang tirahan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here