Home NATIONWIDE Titser itinumba ng tandem sa Nueva Ecija

Titser itinumba ng tandem sa Nueva Ecija

273
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang 39-anyos na guro matapos pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Barangay San Juan, Laur, Nueva Ecija nitong Martes, Nobyembre 4.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mark Christian Malaca, residente ng Barangay San Fernando ng kaparehong bayan.

Sa inisyal na report, dalawang suspek na nakasuot ng itim na jacket, helmet, at face mask ang lumapit sa biktima at binaril ng hindi pa tukoy na kalibre ng armas bago tumakas patungo sa direksyon ng Gabaldon, Nueva Ecija.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa pamamaril.

Inilunsad na rin ang dragnet operation at ipinadala ang forensic teams sa crime scene. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here