Home NATIONWIDE Tolentino: BHWs, Nutrition Scholars ‘unsung heroes’ ng pandemya

Tolentino: BHWs, Nutrition Scholars ‘unsung heroes’ ng pandemya

Nagbigay pugay si Senate Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino noong Biyernes (Hulyo 19) sa 'unsung heroes' ng sektor ng pangangalagang pangkalusugan – ang mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars – sa isang thanksgiving event na ginanap sa Silang, Cavite.

SILANG, Cavite – Pinuri at kinilala ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang naging sakripisyo at kabayanihan ng itinuturing niyang ‘unsung heroes’ ng healthcare sector – ang Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholars (BNS).

Sa kanyang talumpati sa pagtitipon sa Silang ng humigit-kumulang 4,000 BHW at BNS mula sa buong lalawigan ng Cavite, sinabi ni Tolentino na hindi sana nakaligtas ang bansa sa pandemya ng COVID-19, kung hindi dahil sa mahalagang papel na ginampanan ng mga boluntaryo sa kalusugan ng komunidad.

“Every day, our BHWs and BNS are at the forefront of delivering basic health services. On the ground, you are our Department of Health, especially at the height of the COVID-19 pandemic,” sinabi ng senador sa gitna ng mga nagsidalo.

Bilang majority leader ng Upper Chamber, nangako si Tolentino na magtatrabaho siya para maipasa ang panukalang Magna Carta of Barangay Health Workers.

Sinabi rin ni Tolentino na maaaring panahon na para palitan ang pangalan ng Barangay Nutrition Scholars bilang ‘Barangay Nutrition Officers.’
Paliwanag ni Sen. Tol, ito ay bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa pagsubaybay at pagtiyak ng mga pangangailangan sa nutrisyon ng komunidad, lalo na sa mga mahihinang sektor tulad ng mga ina at maliliit na bata.

“When we say ‘scholars,’ we usually refer to students who are recipients of scholarships. It connotes something that is temporary. But we know that being a BNS means embracing a lifelong devotion. And so they deserve to be called Barangay Nutrition Officers – with due recognition of the service they render to our communities,” ipinunto ng mambabatas.

Sa pagtatapos ng programa, kasama ni Tolentino si Gobernador Jonvic Remulla at iba pang panauhin sa ceremonial turnover ng mga insentibo sa BHWs at BNS ng lalawigan. RNT