Home NATIONWIDE Tolentino: Dignidad ng mga manggagawa dapat protektahan

Tolentino: Dignidad ng mga manggagawa dapat protektahan

55
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Acting Labor Secretary Francis Tolentino nitong Miyerkules na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pangalagaan ang dignidad ng mga manggagawa, kabilang ang kanilang karapatan, benepisyo, at iba pang nakasaad sa labor laws ng bansa.

Ayon kay Tolentino, binigyang-diin ng Pangulo ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino nang italaga siya bilang pinuno ng Department of Labor and Employment.

“Ang sinabi ng Pangulo ay taasan ang dignidad ng ating mga manggagawa,” ani Tolentino.

Dagdag niya, kabilang sa direktiba ang pagprotekta sa mga benepisyo at karapatan ng mga manggagawa na nakasaad sa Konstitusyon at Labor Code.

Noong Lunes, inanunsyo ng Malacañang ang pagtatalaga kay Tolentino bilang acting DOLE secretary.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nagtitiwala si Marcos na mahusay na mapamumunuan ni Tolentino ang DOLE dahil sa malawak nitong karanasan sa pamahalaan.

“Tiwala si Pangulong Marcos Jr. na mapamumunuan ni incoming Acting Secretary Tolentino ang DOLE dahil sa kanyang kakayahan at malawak na karanasan sa paghawak ng mahahalagang tungkulin sa pamahalaan, local o national,” ani Castro.

Sinabi rin niya na ang kalagayan sa kalusugan ni Bienvenido Laguesma ang naging dahilan ng pagtatalaga ng bagong labor secretary. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here