Home OPINION TOLL HOLIDAY SA CAVITEX SIMULA JULY 1

TOLL HOLIDAY SA CAVITEX SIMULA JULY 1

ALINSUNOD sa ipinag-utos  ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., inaprubahan na ng Toll Regulatory Board ang resolusyon ng Philippine Reclamation Authority  na magkaroon ng 30 day free passage sa tollways  ng Cavitex.

Ibig sabihin mula July 1 hanggang July 30 2024 ay nakataas ang mga barrier sa mga toll booth kaya hindi mababawasan ang RFID load ng mga motorista at walang sisingilin ang cashlanes.

Ipatutupad ito ng PEA Toll Corporation bilang operator  ng cavitex.

Ang CAVITEX ay ang nag-iisang tollway na 100 percent na pag-aari ng pamahalaan.

Ang Credit Information Corporation o CIC naman ang in-charge sa infrastructure development at financing.

Ipinakita ni Pangulong  BBM na sa “Bagong Pilipinas” ay laging una ang taumbayan. Bagamat kinikilala ng administrasyon ang kahalagahan ng private sector sa mga proyekto na kasama ng pamahalaan – interes pa rin ng taumbayan ang una sa puso ni PBBM.

Pinasasalamatan din ni PRA Chairman Atty. Alex Lopez ang lokal na pamahalaan ng Cavite sa pangunguna ni Gov. Jonvic Remulla at si Senator Bong Revilla sa kanilang mga suporta.

Tinatayang higit sa 170,000 na mga vehicle passages ang maililibre ng toll holiday na daan-daang libong pasahero ang sakay.

 
==============
Atty. Ariel Inton
09178174748