Home NATIONWIDE Tonga niyanig ng M-6.6 na lindol, walang banta ng tsunami

Tonga niyanig ng M-6.6 na lindol, walang banta ng tsunami

216
0

MANILA, Philippines – Hindi inaasahang magdudulot ng tsunami sa Pilipinas ang magnitude 6.6 na lindol na tumama malapit sa Tonga nitong Miyerkules, Oktubre 2.

Ayon sa United States Geological Survey, tumama ang lindol 9:05 ng umaga sa lalim na 10 kilometro.

Naitala ang sentro nito sa karagatan 321 kilometro hilagang-silangan ng capital ng Tonga na Nuku’alofa.

Wala namang agarang ulat ng pinsala sa Tonga at sinabi rin ng Pacific Tsunami Warning Centre na “there is no tsunami threat from this earthquake.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here