Home METRO Top 1 MWP ng Albay, nasakote sa Pasay

Top 1 MWP ng Albay, nasakote sa Pasay

1
0

PASAY CITY, Philippines – Sa pamamagitan ng Pasay City police at pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na yunit ng pulisya kabilang ang mga operatiba ng Camalig, Albay, Bicol, ay nadakip ang Top 1 most wanted person (MWP) ng Camalig, Municipal police na nahaharap sa kasong Qualified Rape of a Minor Biyernes ng umaga, Nobyembre 13.

Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na Erick, 51-anyos, traysikel drayber at residente ng Pasay Public Cemetery.

Inaresto ng mga tauhan ng Pasay City police Substation 5 ang suspek sa koordinasyon ng Tracker Team ng 502nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB5), Headquarters Tracker Team, at Camalig Municipal police station.

sa isinagawang magkasanib na operasyon ng mga pulis, inaresto aang suspek dakong alas-9:00 ng umaga noong Nobyembre 13, 2026, sa harap ng Pasay City Public Cemetery, sa kahabaan ng Don Carlos Revilla Street, Barangay 148, Pasay City.

Dinakip ang suspek sa isinagawang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Oktubre 15, 2026, ng Regional Trial Court, Fifth Judicial Region, Branch 2, Daraga, Albay, kaugnay ng dalawang bilang ng kasong Qualified Rape of a Minor sa ilalim ng Article 266-A(1)(d) na naaayon sa Article 266-B ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 11648.

Nakatala ang mga kaso sa Criminal Case Nos. FC-26-0510 at FC-26-0511, na kapwa walang inirekomendang piyansa.

Ipinaalam sa naarestong suspek ang dahilan at batayan ng kaniyang pagkakaaresto at ipinaunawa sa kaniya ang kaniyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang nauunawaan niya.

Idinokumento rin ang operasyon gamit ang dalawang Alternative Recording Devices alinsunod sa Supreme Court Administrative Matter No. 21-06-08-SC o ang Rules on the Use of Body-Worn Cameras in the Execution of Warrants.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek sa Substation 5 ng Pasay CPS para sa kaukulang dokumentasyon at kalauna’y paglilipat sa mga kinauukulang awtoridad sa Daraga, Albay. Isasauli rin sa hukuman na naglabas nito ang warrant of arrest. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here