Home METRO Top 6 MWP sa Maynila inaresto

Top 6 MWP sa Maynila inaresto

MANILA, Philippines – ISANG 34 anyos na jobless ang nadiskubreng nasa top 6 most wanted Person dahil sa kasong ” Murder” nang isilbi ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District sa loob ng Male Dormitory sa Manila City Jail, Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila umaga nitong Biyernes, Agosto 4.

Kinilala ni MPD- Director Police Brigadier General ang suspek na si Marlon Delanon Rebusi ng Gasangan Street, Barangay 649, Baseco Compound , Port Area, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Purisima , hepe ng DSOU, bandang 2:15 ng hapon , nang isilbi ang warrant of arrest sa suspek sa loob ng MCJ.

Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Hon. Josephina Eco Siscar, Presiding Judge ng Regional Trial Court , Branch 55 ng Manila , dahil sa kasong Murder na may petsang Abril 26, 2023.

Gayunman, utos pa rin ng korte na walang inilaang piyansa sa pansamantala nitong paglaya .

Ayon kay Purisima, walang puwang sa mga kapulisan ng MPD ang sinumang wanted sa batas. Rene Crisostomo