Home NATIONWIDE Topacio: Quiboloy nasa Pinas

Topacio: Quiboloy nasa Pinas

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng abogadong si Ferdinand Topacio sa House Committee on Legislative Franchises nitong Martes na nasa Pilipinas ang kontrobersyal na si Pastor Apollo Quiboloy.

“Yes of course [he is still in the country], you’re honor, he is not going anywhere you’re honor,” sabi ni Topacio kay House Deputy Speaker Quezon 2nd district Rep. David Jay-jay Suarez, na nagtanong ukol sa kinaroroonan ng kanyang kliyente. 

Nauna nang binanggit ni Topacio sa hearing na nakatakda siyang makipagkita sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church leader sa Miyerkules.

“Kasi may mga balita no nangibang-bansa na daw siya,” pahayag ni Suarez. 

“Ay hindi po, magpapakuha po ako ng picture at iva-Viber ko po sa members ng committee,” sabi ng abogado.

Hindi sumipot si Quiboloy sa pagdinig ng committee sa kabila ng paglalabas ng subpoena laban sa kanya.

Iniimbestigahan ng panel ang umano’y franchise violations ng television network SMNI, kung saan si Quiboloy ang honorary chairman. RNT/SA

Previous articleAppointment ng 8 DFA officials lusot sa CA
Next articleSupply missions sa 4 WPS posts kasado sa Abril