Home HOME BANNER STORY Torre nagbayad ng P14K violation sa pagdaan sa EDSA Busway

Torre nagbayad ng P14K violation sa pagdaan sa EDSA Busway

1
0

MANILA, Philippines – Nagbayad ng P14,000 multa para sa traffic violation si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III sangkot ang kanyang personal na sasakyan na nahuling dumaan sa EDSA Busway.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), ang kanyang sasakyan na isang pribadong SUV ay na-impound na.

Personal naman na inupload ni Torre ang video ng kanyang SUV na dumadaan sa EDSA Busway at sinabing ito ay isang official MMDA patrol vehicle.

Aniya, ginamit nila ang lane para inspeksyunin ang mabigay na daloy ng trapiko.

Sinabi naman ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na inamin ni Torre na siya ang nasa loob ng sasakyan ngunit mayroon itong drayber.

Sa pagkaka-impound ng sasakyan ni Torre, napag-alaman ng LTO na may karagdagan itong mga violation kabilang ang license plate tampering, unauthorized stickers at markings, at pagsasagawa ng illegal modifications katulad ng pagdaragdag ng blinker.

“Ang violation niya ‘yung tampering of plates. Number two, ‘yung imitation ng, naglalagay ng mga sticker, markings na bawal ‘yon. And ‘yung accessories, illegal modification na naglalagay ng accessories, which is ‘yung blinker,” ani Lacanilao.

Ang pulang plaka na ginamit sa SUV habang nagmamaneho sa EDSA Busway ay pagmamay-ari ng isang truck ng MMDA batay sa inventory ng ahensya.

Ibinalik lamang ang orihinal na plaka ng sasakyan matapos itong isuko sa LTO.

Ayon sa LTO, bagamat mukhang maliit lamang ang monetary fine para sa mga paglabag, maaari namang maharap ang drayber sa matinding license administrative penalties.

“It’s either ma-suspend po ‘yan nang panghabang panahon or ma-revoke. Depende po sa bigat ng magiging kaso doon sa resolution ng case,” sinabi ni Lacanilao.

Hindi pa rin aniya maaaring ilabas ang sasakyan at kailangan munang maalis ang unauthorized MMDA decals at wang-wang.

“Ginagamit po natin ‘yung batas para ipatupad ito sa mga civilian, so hindi po tayo above the law na tayo ay exempted doon, tayo po ay saklaw din no’n,” ayon pa kay Lacanilao. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here