Home NATIONWIDE Tourism sector ng Pinas lumago pagkatapos ng pandemya

Tourism sector ng Pinas lumago pagkatapos ng pandemya

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Pilipinas ng pinakamataas na paglago sa sektor ng turismo noong nakaraang taon sa kabila ng pagdaan sa pandemic period.

Makikita sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang share ng turismo sa direct gross value ay idinagdag sa ekonomiya, sinukat sa pamamagitan ng gross domestic product (GDP), ay tinatayang nasa 8.6% noong 2023.

Nakapag-ambag ang sektor ng turismo ng P2.09 trillion noong 2023, mas mataas ng 47.9% kumpara sa P1.41 trillion noong 2022.

“This is the highest growth of tourism since the start of the data compilation in the year 2000,” ayon sa PSA.

Sinubaybayan naman ng PSA ang mga sumusunod para sa pagsukat ng ‘tourism growth: “accommodation services, food and beverage serving activities, transport services, travel agencies at iba pang reservation services, entertainment and recreation services, shopping, at miscellaneous services.”

Kabilang sa mga uri ng tourism expenditures, ang inbound tourism expenditure, ang nakapagtala ng pinakamataas na annual growth na 87.7%, nagkakahalaga ng P697.46 billion noong nakaraang taon, sinundan ng domestic tourism expenditure, lumago ng 72.3% mula sa P1.55 trillion na naging P2.67 trillion.

Samantala, nakapagtala naman ang outbound tourism expenditure ng 10.0% na paglago, mula P189.29 billion na naging P 208.25 billion.

“Internal tourism expenditure, comprising inbound and domestic tourism, grew by 75.3 percent to P3.36 trillion from P1.92 trillion,” ayon sa ulat.

Sa kabilang dako, ang employment o trabaho sa tourism industry ay tinatayang 6.21 million noong 2023, tumaas ng 6.4% kumpara sa 5.84 milyong indibidwal sa tourism characteristic industries noong 2022.

Ang naging bahagi ng tourism industry ay 12.9% ng kabuuang trabaho sa bansa noong nakaraang taon.

Samantala, makikita naman sa pinakabagong datos mula sa Department of Tourism na ang kabuuang 2,010,522 international visitors na pumasok sa bansa noong Abril, may 94.21% o 1,894,076 ng kabuuang international arrivals ng bansa, ay pawang mga foreign tourists, habang 5.79% o 116,446 ay overseas Filipinos.

Ito ay 15.11% na mas mataas kumpara sa international arrivals na naitala sa 1,746,630 sa parehong panahon ng nakaraang taon. Kris Jose