Home NATIONWIDE Trabaho centers sa mga pampublikong paaralan, isinusulong para sa SHS grads

Trabaho centers sa mga pampublikong paaralan, isinusulong para sa SHS grads

67
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ang pagtatayo ng mga “Trabaho Centers” sa lahat ng pampublikong high school sa bansa upang matiyak na magkakaroon agad ng hanapbuhay ang mga Senior High School (SHS) graduates.

Sa ilalim ng House Bill No. 8750 o ang “Trabaho Center in Schools Act,” na inihain ni 1Tahanan Party-list Rep. Nathaniel Oducado, bawat paaralan ay magkakaroon ng Job Placement Office na magsisilbing tulay sa pagitan ng mga estudyante at mga employer.

Ayon kay Oducado, layon ng panukala na bigyan ng malinaw na direksyon ang mga kabataan pagkatapos ng kolehiyo at wakasan ang problema ng unemployment sa bansa.

“Our schools should not only prepare students to graduate, but also prepare them to succeed in the real world. HB 8750 will give our youth a clearer path from the classroom to decent and productive work,” ani Oducado.

Batay sa datos ang youth unemployment rate sa Pilipinas para sa mga edad 15 hanggang 24 ay umabot sa 6.59% noong 2024, habang ang underemployment sa mga SHS graduates ay nasa 15.5%.

Binanggit din sa explanatory note ang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na nagpapakitang nahihirapan ang mga SHS graduates na makakuha ng de-kalidad na trabaho dahil mas pinapaboran pa rin ng mga employer ang mga college degree holders.

Sa ilalim ng panukala, ang mga itatayong centers ay makikipagtulungan sa Public Employment Service Offices (PESO), mga lokal na pamahalaan, at mga private industry partners para sa job-matching at employment facilitation, career coaching at guidance counseling, skills training na angkop sa kailangan ng mga kumpanya.

Mandato rin ng bill na magkaroon ng kahit isang Career Advocate sa bawat Trabaho Center na siyang mamamahala sa job database at career enhancement seminars.

“Too many young Filipinos finish school without clear guidance on where to go next, and many are left unemployed, underemployed, or trapped in jobs that do not match their potential,” dagdag pa ng mambabatas. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here