Home OPINION ‘TRABAHO TO THE MAX’ ANG NPD COPS

‘TRABAHO TO THE MAX’ ANG NPD COPS

SA mga lugar sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela o CAMANAVA area, walang tigil ang operasyon ng mga pulis ng Northern Police district laban sa kriminalidad at illegal drugs.

Sa rami nang naaarestong wanted persons at high value target drug personalities, animo’y paligsahan ang operating units ng apat na istasyon ng pulisya ng bahaging ito ng Metro Manila.

Sa datos na nakuha ng Chokepoint, libo ang bilang ng mga pugante at drug traffickers ang nahulog sa kamay ng CAMANAVA police operatives mula buwan ng Enero hanggang sa  kasalukuyan.

Kumbaga, ‘trabaho-to-the-max’ ang mga pulis ng Caloocan City PS,   Malabon PS, Navotas PS at Valenzuela PS para matugunan ang nais na work ethic ni NPD director PBGen. Rizalito Gapas.

Miyembro ng Class ’95 ng prestisyosong PNP Academy, si Gapas ay halimbawa ng isang lingkod bayan na nakahahawa ang ipinapakitang sipag at dedikasyon sa trabaho.

Dahil masipag sa trabaho ang boss – walang choice ang CAMANAVA police chiefs kundi magsipag din kaya ang resulta’y matagumpay na laban sa kriminalidad at illegal drugs sa kanilang area of responsibility.

Itinalagang top cop ng NPD noong  Hulyo ng nakaraang taon,  ang  pamunuan ni Gapas ay recipient ng iba’t ibang pagkilala, isa rito’y nang  pangunahan ang district-wide Unit Performance Evaluation Rating.

Ang NPD ay nakakuha ng 97.55% rating kaya nahirang na Metro’s UPER topnotcher ng buwan ng Marso.

Ang UPER ay isang sistema na nagsisilbing gabay o sukatan para sa evaluation ng mga unit sa PNP kung paano isinasagawa’t isinasasakatuparan ang kanilang mandato.

Ang kahanga-hangang tagumpay na ito ay hindi lamang nagpakita ng “exemplary leadership” ni Gapas kundi nagpalakas din ng kolektibong pagsisikap at pagkakaisang ipinakikita ng bawa’t miyembro ng NPD.