Home METRO Traffic slowdown asahan sa pagbiyahe ng tunnel boring machine

Traffic slowdown asahan sa pagbiyahe ng tunnel boring machine

MANILA, Philippines – Nag-abiso ang Department of Transportation sa publiko na asahan ang pagkaantala sa daloy ng trapiko sa ilang mga kalsada sa Metro Manila dahil sa pagbiyahe ng Tunnel Boring Machine (TBM) ng Metro Manila Subway Project (MMSP) mula Port Area sa Manila patungo sa Camp Aguinaldo Station sa Quezon City, mula Biyernes, Mayo 10 hanggang Linggo, Mayo 12.

Sa abiso, sinabi ng DOTR na dapat iwasan ng mga motorista ang apektadong kalsada at dumaan sa alternatibong ruta mula Mayo 10 hanggang Mayo 11, 2024 (10:00 p.m. hanggang 4:00 a.m.) at Mayo 11 hanggang Mayo 12, 2024 (10:00 p.m. hanggang 4:00 a.m.) sa mga sumusunod na lugar:

Port/ R-10 (between 10 p.m. hanggang 10:30 p.m.)
C3 Road (between 10:30 p.m. hanggang 11:30 p.m.)
5th Avenue (between 11:30 p.m. hanggang 12:30 a.m.)
G. Araneta Avenue (between 12:30 a.m. hanggang 1:30 a.m.)
E. Rodriguez Sr. Avenue (between 1:30 a.m. hanggang 2:00 a.m.)
Gilmore Avenue (between 2:00 a.m. hanggang 3:00 a.m.)
Col. Bonny Serrano Avenue (between 3:00 a.m. hanggang 4:00 a.m.)

Ayon sa DOTR, ang TBM ay gagamitin sa konstruksyon ng tunnel na magkokonekta sa Camp Aguinaldo at Ortigas Stations ng MMSP. RNT/JGC