Home NATIONWIDE Trak nahulog sa binahang palayan sa Pampanga, drayber at pahinante patay

Trak nahulog sa binahang palayan sa Pampanga, drayber at pahinante patay

1
0

MANILA, Philippines – Patay na nang matagpuan ang magkapatid na drayber at pahinante na iniulat na nawawala matapos tumagilid at mahulog ang kanilang truck sa binahang palayan sa Balucuc Bypass Road sa Apalit, Pampanga nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 4.

Ayon sa ulat, patungong San Simon ang magkapatid nang mawalan ng balanse ang truck at mahulog sa binahang palayan.

Rumesponde ang mga tauhan ng local disaster response team para hanapin ang dalawang biktima.

Matapos ang operasyon ay matagumpay na naiahon mula sa binahang lugar ang mga katawan ng magkapatid.

Isinasagawa naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng pagkatagilid at pagkahulog ng truck. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here