Home NATIONWIDE Transport facilities sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, ipinasusuri ng DOTR

Transport facilities sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, ipinasusuri ng DOTR

318
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang lahat ng regional offices at attached agencies na kumpletuhin ang damage assessment ng transportation facilities sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Tino sa loob ng 48 oras.

Sinabi ni Lopez sa isang pahayag na ang transportation facilities tulad ng paliparan, seaports at ferry terminals ay dapat makumpleto sa loob ng dalawang araw upang masimulan ang agarang restorasyon.

Sinabi ni Lopez na kumikilos na ang mga assessment team mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines, Philippine Ports Authority, at Maritime Industry Authority upang suriin ang mga pasilidad ng transportasyon sa mga lugar sa Visayas at Mindanao na lubhang naapektuhan ng bagyo.

Maliban dito, nagtalaga ang DOTr ng disaster response at transport assistance teams upang makipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa real-time na pagsubaybay sa kondisyon ng kalsada, dagat, at himpapawid.

Sinabi ni Lopez na inatasan din ng ahensya ang mga port at terminal operators na panatilihin ang mga passenger assistance center na nagbibigay ng pagkain, tubig, at pansamantalang tirahan sa mga pasaherong na-stranded dahil sa bagyo.

Nakikipag-ugnayan aniya ang DOTr sa iba pang ahensya, tulad ng Department of Social Welfare and Development at local government units, para magamit ang LTFRB-accredited buses at logistics partners para sa transportasyon ng mga relief goods at evacuees sa mas ligtas na lokasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here