Home METRO Trayk drayber inatado ng saksak sa agawan pasahero

Trayk drayber inatado ng saksak sa agawan pasahero

116
0

Pangasinan – Dahil sa umano’y agawan sa pasahero, patay ang isang tricycle driver matapos siyang saksakin ng kapuwa niya tricycle driver sa Calasiao, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Ryan Agpoon, na hindi na umabot ng buhay sa ospital habang naaresto naman ang suspek na si Al Suarez.

Nangyari ang krimen sa Barangay San Vicente, ilang metro lang ang layo sa barangay hall.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na dati nang may alitan ang dalawa ang sinasabing agawan sa pasahero ang ugat ng away ng biktima at suspek. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here