MANILA, Philippines – Patay ang isang tricycle dirver matapos pagbabarilin sa Sitio Rasak, Barangay Manggalang Bantilan, Candelaria, Quezon nitong Martes ng gabi, Pebrero 11.
Sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle patungo sa Candelaria, Quezon nang lumitaw ang isang lalaki sakay ng motorsiklo at binaril ito.
Ang biktima ay nasawi on the spot dahil sa ilang tama ng bala ng baril.
Agad naman na tumakas ang gunman patungo sa San Juan, Batangas.
Nagsasagawa na ang pulisya ng follow-up investigation. RNT/JGC