MANILA, Philippines – Matatapos na ngayong araw ang in-isyung temporary restraining order ng isang Korte sa Pasig City laban sa NCR wage Order 27 o ang unang tranche ng P85 na dagdag sahod para sa minimum wage earners sa Metro Manila.
Kung hindi maglalabas ng injunction si Presiding Judge Marie Joyce Manongsong ng Pasig Regional Trial Court Branch 152, magpapatuloy na ang implementation ng P60 increase.
“Don’t Block the 60 Pesos”, ito naman ang panawagan ng SENTO ng mga Nagkakasakit Progresibong Manggagawa.
Binuking pa ng grupo na ang Readycon Trading & Construction Corporation– isa sa dalawang kumpanya nag petisyon ay isang government contractor na nanalo noon sa P37 milyon na infrastructure project sa Rizal.
Giit ng SENTRO, hindi dapat napipilitang maghigpit ng sinturon ang mga manggagawa habang pinagpiyestahan ng malalaking korporasyon ang public funds.
Ayon pa sa grupo, hindi lamang sila kundi pati DOLE, Kongreso at mismong Malacanang ay tutor na sa extension ng TRO.
Samantala sinabi ni Labor Secretary Francis Tolentino na wala pa siyang natatanggap na update mula sa nasabing Korte kaugnay sa magiging desisyon sa kabuuang P85 wage hike. Jocelyn Tabangcura-Domenden