Home NATIONWIDE Tropical depression nabuo sa labas ng PAR

Tropical depression nabuo sa labas ng PAR

140
0

MANILA, Philippines – Nabuo bilang isang tropical depression ang low-pressure area sa labas ng Philippine area of responsibility.

Ayon sa PAGASA, nabuo ang tropical depression bandang alas-8 ng umaga nitong Martes, Marso 10 habang nasa labas ng PAR.

Namataan ito sa layong 1,305 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong north-northeast sa bilis na 10kph. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here