MANILA, Philippines – Apektado ng Habagat ang Mindanao kasabay ng paglapit ng Severe Tropical Storm “FRANCISCO” {MEKKHALA}.
Ayon sa PAGASA, ang tropical storm ay namataan 1,325 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 100 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 125 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong West Northwestward sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Ngayong araw, Hunyo 21, ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa trough ng Tropical Storm FRANCISCO.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm din ang inaasahan sa Mindanao, nalalabing bahagi ng Visayas at Palawan dahil naman sa Habagat.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorms. RNT/JGC