Home METRO Truck naglagablab sa ibabaw ng tulay sa Bulacan

Truck naglagablab sa ibabaw ng tulay sa Bulacan

59
0
via Guiguinto TMO

BULACAN, Philippines – Isang walang kargang delivery truck ang biglang nagliyab sa tulay sa bayan ng Guiguinto nitong umaga ng Mayo 17.

Sa ulat, naganap ang insidente bandang 8:00 ng umaga sa ibabaw ng tulay ng Brgy. Sta. Rita.

Ayon sa ulat, agad bumaba at tumakbo palayo ang pahinante nang biglang magliyab ang ilalim ng truck na umanoy walang lamang kargamento.

Agad umanong naapula ang nasabing sunog naapula nang dumating ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection.

Sinasabing bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar ng mga oras na iyon at kalaunan ay unti-unting bumalik sa normal.

Kaugnay nito, may mga ilang netizen ang nagtatanong sa tibay ngayon ng nasabing tulay matapos mag-viral sa facebook ang malakas na pagliyab ng truck dito.

Sinusulat ito, walang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here